276

Apr 11, 2021 @ 18:38
By

Handang rumesbak ‘pag kailangan! Mga US ship dudumog sa South China Sea

Asahan ang pagdami ng mga barko mula Amerika sa South China Sea, ayon kay Philippine Ambassador to United States Jose Manuel Romualdez.

Ayon kay Romualdez, ang paglalatag ng US vessel sa pinag-aagawang teritoryo ay para maprotektahan ang daanan ng mga barko sa South China Sea.

Dumating na ang Theodore Roosevelt Carrier Strike Group sa naturang karagatan noong April 4, ngunit madagdagan pa ito ayon kay Romualdez.

“That is freedom of navigation, any vessel can pass through there without any harassment or any stop from any country,” saad ng ambassador sa panayam ng DZBB.

Aniya pa, sakaling lumala ang tensyon sa pagitan ng China at Pilipinas ay handang tumulong ang Estados Unidos sa kaalyadong bansa.

“In-assure tayo ng mga kaibigan natin dito na talagang concerned sila at sila ay handang tumulong sa atin kung humingi tayo ng tulong kung talagang mabigat na yung ginagawa ng China,” dagdag pa ni Romualdez.

“I hope hindi natin sila kalaban pero sana huwag naman mangyari. itong mga Chinese vessels ay umalis na lang diyan sa ating teritoryo.”

Matatandaan na nagkaroon ng iringan ang Pilipinas at China matapos na maispatan ang daan-daang Chinese vessel sa Julian Felipe Reef, na parte ng Philippine exclusive economic zone.

Nabalita rin ang paghabol ng mga barko ng Chinese navy sa barko ng mga Pinoy kung saan nakasakay ang news team ng ABS-CBN.

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?