149

By

Handang mamatay para sa ‘Pinas! Lumusob tayo sa Spratlys – Robin Padilla kay Alejano

Handang samahan ng aktor na si Robin Padilla ang Magdalo Representative na si Gary Alejano sa plano nitong personal na pumunta sa Spratlys Island.

Sa Instagram post ni Robin kung saan naka-screen capture ang balita ng Abante TNT na may titulong ”Alejano humingi ng clearance sa PCG para makatungo sa Spratlys”, sinabi nito na dapat hindi lang puro salita ang banta sa pagpunta sa Spratlys Island at ituloy na ito para gayahin ang mga Tausug.

“Walang mangyayari ang puro nating pagpapacute sa Ninunong China. Gayahin natin ang mga tausug ng sultanate of sulu ipakita natin sa Ninunong China na handa rin tayong mga Katipunero na sundan ang yapak ng mga Rebolusyaryong Tausug,” ayon kay Binoe.

Saad pa niya, nakapagpaalam na siya sa kanyang misis na si Mariel Padilla at kanyang mga anak kung sakaling kumasa si Alejano sa kanilang pagpunta sa pinag-aagawang teritoryo.

“Nakapagpaalam na ako sa aking asawa at mga anak katunayan wala na sila sa Bansa nandon na sa Amang Amerika,” aniya pa.

Handa na rin umano siyang mamatay para sa Inang Bayan at sinabing handa niyang gayahin ang Katipunan na nagbigay ng buhay para sa bansa.

“Pero hindi dapat nating idamay ang buong Pilipinas sa isyu na ito dahil kawawa ang taong bayan lalonang mga mahihirap kapag pinatulan tayo ng ninunong china dito sa mainland Philippines kayat sarilinin natin itong lakad lumusob tayo sa spratlys,” giit ni Robin. (RP)

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?