23

By

Hand injury ni Akhuetie, dagdag problema ng UP

Tila hirap pa rin makuha ni Bright Akhuetie ang kanyang laro laban sa FEU Tamaraws na naging isa sa dahilan ng pagkatalo ng UP Fighting Maroons, 73-89 nitong Linggo, Setyembre 23.

Ngunit hindi alam ng karamihan na nagtamo pala ng hand injury ang 6-foot-7 center bago sumabak sa laro.

“My right hand was kind of numb during the game and before the game. I had some issues with my hand. I’m gonna (go to the doctor) tomorrow to prepare for our next game,” paliwanag ni Akhuetie.

Nalimitahan ang dating Perpetual star sa 8 points, 11 rebounds at apat na assists, malayo sa kanyang averages na 11.5 points, 13.5 rebounds at anim na assists.

Gayunpaman, nirerespeto pa rin ni FEU head coach Olsen Racela ang laro ni Akhuetie, kung saan natunghayan niya dati sa NCAA kung paano trumabaho ang big man.

“Si Bright hindi pwedeng single coverage lang. Magaling na player. Nakita ko na siya sa NCAA, when I covered NCAA,” diin ni Racela.

“Nakakatakot pa sa kanya ngayon kasi he’s an all-around player now ganado na siya pumasa with (all the) weapons UP has,” dagdag niya. ()

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?