175

Jun 8, 2018 @ 16:54
By

Hand-carry bags ng mga pasahero sa NAIA, isasalang na sa X-ray

Tiniyak ni Customs Commissioner Isidro Lapeña na wala nang makalulusot na anumang kontrabando sa Ninoy Aquino International Airport (NAIA).

Ayon kay Lapeña, naglagay na ng pitong hand-carry X-ray machine sa tatlong terminal sa NAIA na sasala sa mga bitbit na gamit ng mga pasahero.

Paliwanag ng opisyal, dalawang bagong Rapiscan X-ray machines ang inilagay sa NAIA Terminal 3, dalawa sa Terminal 2 at tatlo sa Terminal 1.

Malaki aniya ang maitutulong ng mga bagong X-ray machine upang matunton ang mga bagahe ng mga pasahero na naglalaman ng mga bag, relos, foreign currency, illegal drugs at iba pang ipinagbabawal na produkto.

Tiniyak ni Lapeña na hindi bubuksan ang mga bag ngunit ang mga bag na mamarkahan ng X-ray machines na kaduda-duda ang laman ay eeksaminin ng Customs officials.

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?