90
Eduardo Ano
Oct 19, 2017 @ 17:41

Hanap-bangkay ng financier ng Maute group, sinimulan na

Kinumpirma ni Armed Forces of the Philippines (AFP) Chief of Staff General Eduardo Ano na patay na at nailibing na si Dr. Ahmad Mahmud, ang Malaysian national na nagsisilbing financier ng teroristang grupo sa Marawi City.

Aniya, kabilang si Mahmud sa 13 miyembro ng Maute ISIS group na nasawi sa matinding sagupaan kagabi sa lungsod.

Sinabi ni General Ano, mismong kinumpirma ito ng mga nailigtas na bihag ng Maute ISIS group.

Batay aniya sa pahayag ng mga hostage, si Mahmud ay namatay na kagabi at agad ding inilibing.

Kaya ngayon aniya’y nakatutok ang tropa ng militar sa pagtukoy o paghahanap sa mismong labi ni Dr. Mahmud sa main battle area sa lungsod ng Marawi.

“One of the recued hostages revealed that Mahmud was dead and buried last night. We will look for the cadaver,” ani Ano.

Una nang sinabi ni Col. Romeo Brawner, deputy commander ng Joint Task Force Ranao, na sniper kills ang dahilan ng pagkamatay ng 17 teroristang grupo. (Red Fortaleza)

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?