154

By ,

Hamilton, Sharapova wow sa porma

Sharing is caring!

Ilan sa mga kilalang atleta sa mundo ang nakapasok sa listahan ng Sports Illustrated na “50 most fashionable athletes” ngayong 2018.

Ang mga atletang napabilang sa listahan ay pinili ng ilang stylists, fashion editors and executives at iba pang influencers gaya nina Rachel Johnson ng Thomas Faison Agency at si Sharon Kanter ng People Magazine.

Kabilang din sa mga namili ang dating NFL Player na si Victor Cruz, Visual Architect Kesha McLeod, InStyle Executive features director Sarah Cristobal, Athlete Stylist Brandon Williams at si creative director ng Parker Mays Collective.

Nanguna sa listahan ngayong taon ang American football player mula sa New York Giants na si Odell Beckham, Jr. Pasok din si Formula One racer Lewis Hamilton maging ang tennis superstar na si Maria Sharapova at soccer player Cristiano Ronaldo.

Nasa listahan din ang ilang basketball superstars gaya nina Russell Westbrook, Andre Igoudala, Lebron James, James Harden, Kevin Love at Kyrie Irving.

Pasok din sa listahan sina tennis superstars Roger Federer at ang nagbabalik-aksyon na si Serena Williams.

Taong 2016 nagsimula ang paglilista ng Sports Illustrated sa mga fashionistang atleta sa mundo.

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?