21

Mar 4, 2021 @ 20:33
By

Halsey planado pagkabuntis, ‘di aksidente

Iginiit ni American singer Halsey na pinagplanuhan niya ang kanyang pagbubuntis at hindi siya nadisgrasya lang.

“Why is it ok to speculate and pass judgement about fertility and conception?” saad niya sa kanyang Instagram story noong Martes.

“My pregnancy was 100% planned, and I tried very hard for this bb. But I would be just as happy even if it were another way,” dagdag pa niya.

Nito lamang Enero nang isapubliko ni Halsey na nagdadalang tao-siya.

Ito ang una nilang anak ni screenwriter Alev Aydin.

Magugunitang taong 2015 nang ibunyag ng singer na nakunan siya sa unang beses.

https://www.instagram.com/p/CKjmNunrcTV/?igshid=1tprj4j0h8lhe

Ilan sa mga sikat na kanta ng siner ang “Colors,” “Ghosts” at “Without Me.”

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?