22

Jan 28, 2021 @ 11:19
By

Halsey buntis

Sinurpresa ni American singer-activist Halsey ang madla sa balitang magiging nanay na siya.

“surprise! 🍼🌈👼🏻,” caption ng “Without Me” hitmaker sa Instagram.

Nilakip niya ang tatlong larawan kung saan makikita ang kanyang baby bump.

Tinag din ni Halsey, 26, ang kanyang dyowa na si screenwriter-producer Alev Aydin, 37.


Magugunitang nalaglag ang dating sanggol ng singer habang nagtatanghal siya sa isang concert noong 2015.

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?