9

Apr 16, 2021 @ 10:44
By

Halos P4M shabu nasabat sa Maynila

Aabot sa P3.9M shabu ang nakulimbat sa magkakahiwalay na buy-bust operation na kinasa sa Maynila.

Ayon sa pahayag ni PNP chief Police General Debold Sinas, apat na suspek ang nahuli ngayong linggo.

Isa sa nahuli ng Manila Police District (MPD) ay ang suspek na kinilalang si Bellia Odin, na nakuhanan ng P340,000 halaga ng shabu nang madampot ito sa Pandacan.

Nitong Martes naman ay naaresto ang suspek na si Abdulmanan Buisan na bistado sa P2.4M shabu.

Dalawa pang suspek ang arestado noong Miyerkoles sa Tondo, kinilala ito na sina Sarah Manonog at Marissa Manansala, na nabuking naman sa P1.08M shabu.

Nasa kustodiya na ng MPD Police Station 14 ang mga nadakip at kakasuhan sa paglabag ng Comprehensive Dangerous Drugs Act.

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?