58

May 2, 2020 @ 9:04
By

Halos P4B nabawas sa kita ng Baguio City

Tinatayang P3.7 bilyon ang mababawas sa kita ng Baguio City pagdating sa turismo ngayong taon dahil sa COVID-19, ayon ito kay Mayor Benjamin Magalong.

Marami umano ang nawalan ng trabaho sa Baguio dahil tourism-based sila, gayunman naghahanda na sila sakaling maging GCQ na ang kanilang lugar.

Aniya, “Marami pong nawalan ng trabaho sa amin dahil tourism-based kami. For the past few weeks, kinausap namin ang iba’t ibang sektor para makapaghanda sa recovery kapag naging GCQ na rito. Para may direksyon at plano na kami sa May 16.”

Dagdag pa niya, hindi maaaring umasa na lamang sa ayuda ng gobyerno.

“Hindi naman tayo pwede umasa sa ayuda ng gobyerno kaya we have to open the economy gradually. Calibrated ang pagbabalik ng mga negosyo o turismo,” ani Magalong.

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?