644

By

Halos P20M multa sa sapakang Paul, Rondo, Ingram

Sharing is caring!

Nagbuhos ng multa ang NBA organization sa mga sangkot sa bakbakan sa naging laro ng Los Angeles Lakers at Houston Rockets.

Sa 4th quarter. nagkaabutan ng kamao sina Chris Paul at Rajon Rondo, matapos ay biglang umentra sa likod ang LA forward na si Brandom Ingram na nakisapak din.

Sa report ng ESPN insider na si Bobby Marks, tinatayang aabot sa $358,000 US dollars ang pinagsamang multa sa tatlo, na kapag ihinambing sa Philippine peso ay tumataginting na P19.2M.

Bukod pa rito, tinitingnan din ang suspensiyon sa tatlo.

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?