198

Dec 27, 2020 @ 13:26
By

Halos lahat ng sundalo nabakunahan na – Duterte

Kahit wala pang inaaprubahang bakuna ang bansa, sinabi ni Pangulong Rodrigo Duterte na marami nang tauhan ng Armed Forces of the Philippines (AFP) na tumanggap na ng Sinopharm COVID-19 vaccine.

Punto ito ng Pangulo kay Food and Drug Administration director-general Eric Domingo, sa pulong sa Palasyo kagabi.

“Kung mag-ano ‘yan sa iyo, SinoPharmaceuticals, iyon nga, sabi ko it has passed the test sa kanila. Hindi naman ‘yan sila mag-ano kung if it is deleterious to their citizens. They would not even attempt to inject one person. Pero marami na. At sabihin ko sa iyo, marami na ang nagpa-injection dito sa Sinopharm. At huwag kang tumingin sa akin kay hindi kita kilala,” ani Duterte, ayon sa official Palace transcript.

Wika ni Domingo, wala silang nahuli na nabakunahan sa tatlong raid na ginawa sa Makati at Binondo, Manila.

Tinanong ng Pangulo ang FDA chief kung pwede bang ipagsama ang virus vaccine ng Pfizer at Sinopharm. Tapos aniya, “Let me tell you, many have already been injected with Sinopharm.”

“Iyon ang… Sumasakit ‘yung ulo ng iba, hindi ako. Halos lahat ng sundalo, natusukan na. I have to be frank and I have to tell the truth. I will not foist a lie. Marami nang nagpatusok and lahat. Up to now, wala akong narinig sa — for the select few — not all soldiers, not all soldiers, hindi pa kasi policy eh,” dagdag niya.

Una nang nagbabala ang mga senador hinggil sa sinasabing 50-percent effectivity rate ng Sinopharm vaccine at ang pagiging mas mahal nito kaysa sa bakuna ng ibang kompanya.

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?