17

Oct 12, 2021 @ 18:38
By

Halos lahat ng Noypi may Facebook – Pulse Asia

Facebook ang numero unong social media site para sa adult population ng Pilipinas, batay sa survey ng Pulse Asia nitong Setyembre.

Sa naturang survey na kinabibilangan ng 2,400 respondents edad 18 pataas, 63% ang nagsabing gumagamit sila ng internet ng mahigit isang beses sa isang araw.

Dito rin nadiskubre na 99% ng mga respondent ang gumagamit ng Facebook, habang 57% naman ang may mga YouTube account

“Ownership of a Facebook account is nearly universal among internet users in the Philippines as a whole (99%) and across geographic areas and socio-economic groupings,” saad ng Pulse Asia.

Samantala, 17% ang may TikTok, 14% ang may Instagram at 8% ang may Twitter.

Bukod dito, napag-alaman din sa naturang survey na ang messaging, partikular ang Facebook Messenger, ang pinakaginagamit ng mga Pinoy na application sa pamamagitan ng internet.

Ilan pa sa mga pangunahing pinaggagamitan ng internet ay ang pagbabasa, panonood at pagtutok sa mga balita.

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?