92

Feb 14, 2020 @ 10:39
By

Halos 7K gumaling sa COVID-19

Nasa 6,982 na ang kabuuang bilang ng mga gumaling sa novel coronavirus disease 2019 (COVID-19) hanggang ngayong Biyernes.

Ayon din sa Pebrero 14 tracker ng Johns Hopkins CSSE, halos 1,489 na ang pumanaw habang 64,291 na ang nahawa ng nasabing sakit.

As of Pebrero 13, ayon sa tracker ng Department of Health, 230 persons under investigation (PUI) pa ang nananatili sa ospital habang 208 na ang pinalabas.

Tatlo pa rin ang kabuuang bilang ng mga nagpositibo sa COVID-19 sa bansa.

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?