31

Nov 24, 2021 @ 16:59
By

Halos 600 panukala naging batas! Jinggoy niyabang nagawa sa Senado

Ipinagmalaki ni Jinggoy Estrada ang track record niya bilang senador.

Kabilang aniya sa track record niya na hindi kailanman na-late o umabsent sa Senado.

Humigit-kumulang 600 din ng inihain niyang panukala ay naisabatas.

“My track record in the Senate speaks for itself. Kahit kailan ay hindi tayo po na-late at na-absent. At nakapag-file po tayo ng higit-kumulang 600 bills at majority of the 617 bills that I filed was enacted into law,” pahayag ni Estrada sa panayam sa Teleradyo.

“‘Yan siguro ang puwede nating ipagmayabang, ang performance sa Senado sa loob ng 12 taon,” patuloy niya.

Sa ngayon, nililitis pa si Estrada para sa kasong plunder kaugnay ng pork barrel scam.

Dalawang beses na siyang nahalal na senador, mula 2004 hanggang 2010 at mula 2010 hanggang 2016.

Ngayon ay hihirit siyang muli ng isa pang termino sa Senado sa darating na 2022 elections.

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?