10

Jan 13, 2021 @ 18:05
By

Halos 55K private school student binigyan ng P5K

Halos 55,000 mag-aaral ng mga pribadong paaralan na hindi pa nakakabayad ng tuition fee ang pinagkalooban ng ayuda ng Commission on Higher Education (CHED).

Ayon sa CHED, ang P5,000 na ibinigay sa may 54,761 private school student ay nakalinya sa Bayanihan 2 para sa Higher Education Tulong Program.

Sa programa, P300 milyong pondo ang inilaan para tulungan ang mga estudyante na mabawasan ang bayarin nila sa tuition.

“As instructed by President Duterte to immediately implement the Bayanihan 2 amelioration programs, CHED has released close to P300 million to 927 private schools to reduce the unpaid tuition and miscellaneous fees of their students so they can continue their studies,” pahayag ni CHED chairman Prospero de Vera.

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?