20

Jul 2, 2020 @ 22:17
By

Halos 500 contact tracers ikakalat sa Cebu City

Para matukoy ang mga residenteng na-expose sa mga coronavirus patient, nasa 480 contact tracers ang ide-deploy sa Cebu City, ayon kay Mayor Edgardo Labella.

Hahatiin ang 480 contact tracers sa 80 teams na may kanya-kanyang lider at limang miyembro dahil mayroon aniyang 80 barangay sa Cebu City, dagdag ni Labella sa panayam ng ANC.

Ang Cebu City government ang papasan sa sahod ng mga contact tracer pero lubos silang magpapasalamat kung tutulong ang national government.

Sa ngayon lumobo na sa 5,596 ang kumpirmadong kaso ng COVID-19 sa lungsod.

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?