0
views
lpg
By

Halos 400 LPG stations sa Batangas, buking sa paglabag

Sharing is caring!

Nadiskubre ng Department of Energy na maraming gasolinahan at tindahan ng liquefied petroleum gas (LPG) sa Batangas ang lumalabag sa mga batas.

Sa pangunguna ng Oil Industry Management Bureau-Retail Market Monitoring and Special Concerns Division, isinailalim sa audit ang 442 gasolinahan at tindahan sa 30 bayan at lungsod sa lalawigan.

Layon ng focused inspection na magarantiyahan ang kalidad ng mga ipinagbibiling produktong petrolyo at naaayon sa international at national standards.

Nabatid na 198 gasolinahan ang nadiskubreng walang certificate of compliance, samantalang 156 tindahan naman ng LPG ang nakitaan ng iba’t ibang paglabag.

Ilan lang sa mga nadiskubre sa mga LPG station ay walang Standards Compliance Certificate at hindi ayon sa Philippine National Standards ang mga tangke.

“The DOE stringently monitors business to ensure that our people are not short-changed on the petroleum products they purchase. This is very important because people pay with their hard-earned money,” giit ni Energy Sec. Alfonso Cusi.

Pagtitiyak ni Cusi, binabantayan nila ang kalidad ng mga produktong petrolyo na ipinagbibili sa bansa. ()

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?