12

Sep 8, 2020 @ 11:20
By

Halos 300 katao nasa loob ng iligal na bar, kabilang ang 1 bata

Ni-raid ng mga awtoridad ang isang iligal na bar nitong weekend at natagpuan sa loob ang halos 300 katao, kasama ang isang bata.

Nilusob ng mga tauhan ng New York City Sheriff’s Office ang isang bar sa Borough Park, Brooklyn sa Amerika noong alas-dos ng umaga, Linggo.

Natagpuan nila sa loob ang 281 katao, kabilang umano ang isang bata.

Ayon sa awtoridad, sa ulat ng FOX 5 NY, napawalang-bisa na ang liquor license ng nasabing bar noon pang 2019.

Bukod sa napakaraming tao sa loob, sa panahon ng COVID-19 pandemic, may isang exit lang ang bar sakaling magkaroon ng emergency.

Sabi ng mga pulis, inaresto ang anim katao dahil sa iba’t ibang paglabag kabilang na ang child endangerment.

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?