74
ABANTE-TNT nazareno traslacion 2018 better
By

Halos 300 deboto nasaktan sa Traslacion 2019

Aabot na sa halos 300 na deboto ang nasugatan sa taong ito na Traslacion habang papalapit na sa Quiapo Church ang prusisyon ng Itim na Nazareno.

Ayon sa Philippine Red Cross (PRC), as of 3 p.m., ay nasa 287 deboto na ang nagtamo ng minor injuries kabilang ang pagkahimatay, pagkasugat, pagdurugo ng ilong at pagkapasa.

Nasa 20 deboto naman ang nagtamo ng pinsala gaya ng pagkahirap humingi, blunt force trauma, pagkabali ng buto at pagkasunog ng balat.

Umabot naman sa 565 deboto ang nagpa-monitor ng kanilang blood pressure.

Sabi ni PRC Safety Services Manager Von Ryan Ong, ang Traslacion ang matibay na testamento kung gaano karelihiyoso ang mga Filipino na isasangkalan ang kanilang kaligtasan pati na ang kanilang buhay para lang maipakita ang kanilang debosyon.

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?