By

Halos 2K pulis, hindi nakatanggap ng mid-year bonus

Sharing is caring!

Kinumpirma ni Philippine National Police (PNP) Chief Police Director General Oscar Albayalde na nasa 1,988 na pulis ang hindi binigyan ng bonus.

Paliwanag ni Albayalde, ang mga pulis na kinasuhan at nakatanggap ng parusa na mas mataas sa reprimand ngayong taong ito ay hindi nakatanggap ng mid-year bonus.

Kabilang dito ang mahigit 800 pulis na pinatawan niya ng suspensiyon sa iba’t ibang administrative offenses noong siya’y nasa National Capital Region Police Office (NCRPO) pa.

Payo naman ng hepe sa mga pulis na nakatanggap ng kanilang bonus, na ibigay ang pera sa kanilang mga misis.

Sinabi pa ng opisyal hindi na maitatago ng mga pulis ang pera sa kanilang mga asawa dahil diretso na ito sa kanilang ATM, kay mas maiging gastusin nila ito sa kanilang pamilya.

Aabot sa P6 bilyon ang inilabas ng PNP para sa mahigit 189,000 aktibong pulis na nararapat na makatanggap ng mid-year bonus.

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?