30

Sep 9, 2021 @ 21:22
By

Halos 23K bagong nagpositibo sa COVID

Umabot na sa mahigit dalawang milyong Pilipino ang nagkasakit ng coronavirus sa Pilipinas.

Nitong Huwebes iniulat ng Department of Health ang mga bagong nagpositibo na 22,820 katao, na nagpaakyat sa nationwide COVID-19 tally ng bansa sa 2,161,892.

Ito na ngayon ang pinakamataas na naitalang bagong kaso ng COVID, as of September 9, 2021.

Samantala, tumuntong naman sa 1,960,487 ang kabuuang nakarekober sa sakit matapos 12,337 pasyente ang bagong naka-survive sa virus.

Akyat naman sa 34,733 ang death toll sa 61 bagong namatay sa virus.

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?
Tags: ,