12

Jul 13, 2020 @ 15:35
By

Halos 100 private school sa Cavite magsasara – Remulla

Dahil sa COVID crisis, halos 100 private school sa Cavite ang hindi magbubukas ngayong school year 2020, ayon kay Governor Jonvic Remulla.

“Sa ngayon ay halos 100 na private schools sa Cavite na ang magsasara para sa school year 2020. Dulot ito ng COVID crisis. Lalo pa madadagdagan ang mga mag-aaral na aasa sa DepEd system,” wika ni Remulla sa Facebook post.

Hindi naman batid pa kung permanente lang o pansamantala ang pagsasara,ayon pa kay Remulla sa ulat ng Inquirer.

Kamakailan ibinunyag ng Department of Education na nasa 250,539 estudyante mula sa mga pribadong eskuwelahan ang naglipatan sa mga public school.

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?