17

Sep 26, 2020 @ 10:56
By

Halos 100 party people kalaboso sa QC bar

Dinampot ang higit-kumulang sa 100 katao matapos maabutan ang mga ito na nagkakasiyahan sa isang bar sa Tomas Morato, Quezon City nitong Sabado ng madaling-araw.

Base kay Kamuning police station chief Lt. Col. Noli Abalos, may mga nagreklamo na nagkakaroon umano ng inuman sa loob ng isang bar disoras ng gabi.

Dahil dito’y pinasok ng pulisya ang bar, kng saan naabutan ang halos isang daang katao na hindi na nasunod ang social distancing at lumabag pa sa curfew.

Bukod pa rito, ilan pa sa mga nilabag ng mga nasa bar ay ang hindi pagsusuot ng face shield at liquor ban.

Tinekitan ang mga nahuling pasaway at pinauwi rin agad, habang posibleng mapanagot ang may-ari ng bar dahil sa pag-ooperate kahit pinagbabawal pa.

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?