15

Jan 14, 2021 @ 13:16
By

Halos 1.5K alkalde pabor sa Cha-cha

Sinusuportahan ng 1,489 alkalde sa buong bansa ang “surgical” amendments sa Konstitusyon 1987, ayon sa Department of the Interior and Local Government (DILG).

Naghanda umano ang mga kasapi ng League of Municipalities of the Philippines (LMP) ng resolusyon bilang suporta sa pag-aamiyenda.

“The 1,489 members of the League of Municipalities of the Philippines prepared a resolution in support of the surgical amendments including the lifting of restrictive economic provisions of the Constitution,” wika ni DILG spokesperson Jonathan Malaya sa pagdinig ng Kamara hinggil sa constitutional amendments kahapon.

Nakalikom din aniya ang DILG ng 555,610 lagda sa 72 lalawigan na suportado ang “surgical” amendment sa Konstitusyon.

Una nang sinabi ng DILG official na itong mga pirma ay mula sa offline at online signature campaigns ng DILG, Constitutional Reform Movement, kasama ang mga civil society group, private group, at mga indibidwal.

Nagpatuloy kahapon ang talakayan ng Kamara hinggil sa Charter change (Cha-cha).

Pinag-usapan nila ang Resolution of Both Houses No. 2 na hinain ni mismong Speaker Lord Allan Velasco noong 2019.

Layon ng RHB No. 2 na amiyendahan ang mga probisyon sa Konstitusyon na pinipigilan ang dayuhang pagmamay-ari ng lupa at negosyo sa bansa, at luwagan ang paghihigpit sa pagmamay-ari at pamamahala ng mass media, mga public utility, paaralan, investment, at dayuhang kapital.

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?