264

Feb 4, 2019 @ 18:56
By ,

Halo-halo ang feeling ni De Leon

Magkahalong kaba at excitement ang nadarama ni Ateneo de Manila University Lady Eagle middle blocker Bea de Leon ngayong huling taon niya sa UAAP women’s volleyball.

Huling birada na sa Season 81 ng UAAP ni De Leon, na unang nagpakitang-gilas sa Season 77 na liga.

“Siguro kapag nakikita ko rin sa social media kasi everyone is counting down na, nafe-feel ko rin na ito na talaga ‘yung last ko. I’m both excited and scared coming into this season, kasi I’m really, really wanna start playing na,” wika ni De Leon na puntirya ang makapag-uwi ng kampeonato.

Noong nakaraang season ay hindi nakatungtong sa Finals ang Lady Eagles matapos masuwag ng Far Eastern University Lady Tamaraws sa kanilang semis match.

Ngayong season, mas magiging intact na aniya ang kanilang tropa.

“Ayun one game at a time, it’s the same thing naman for every team and for every season talagang we just have to stick with it,” sabi nito.

Mas magiging maganda rin ang blocking ng tropa ngayon at sasamantalahin talaga nito ang pagiging matangkad nila lalo na’t ito ang pinagtuunan ng pansin ng kanilang bagong coach na si Oliver Almadro.

“We also have switches with position, sana talaga our receiver is more stable and I think our pinaka-edge lang talaga is a lot of us is graduating. Iba ‘yung motivation kapag ganun ‘yung situation,” panapos nito.

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?