35

Jun 26, 2020 @ 22:55

Hall of Justice ng Taguig City sarado hanggang Hulyo 9

Pansamantalang isasara ang mga korte sa lungsod ng Makati at Taguig matapos malantad ang mga miyembro ng hudikatura at kanilang mga empleyado sa mga kasamang nag-positibo sa COVID-19.

Sinimulang isara ang mga korte at opisina sa Makati at Taguig Hall of Justice noong Hunyo 25.

Magpapatuloy ang operasyon sa mga korte ng Makati City sa Hulyo 8 samantalang bubuksan naman ang Taguig City Hall of Justice sa Hulyo 9. Hindi naman mahihinto ang serbisyo ng lokal na hudikatura dahil isasagawa sa online tulad ang mga virtual hearing at virtual raffling ng mga kaso.

Sasailalim sa 14 na araw na self-quarantine ang mga ito matapos malantad at makasalamuha ang ilang kasamahan na positibo sa nasabing virus. Samantala, maaaring ma-contact ang mga tanggapan ng hukom sa pamamagitan ng kanilang e-mail at hotline number. (Mia B. Billones)

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?