123

Dec 23, 2017 @ 15:59
By

Halikan nina Liza-Enrique super-trending

Ang bongga talaga! Trending ngayon ang mukhang ambush picture nina Enrique Gil at Liza Soberano kung saan si Liza ay nakapaling sa kaliwang balikat ni Quen at hinahalikan siya nito sa kanyang noo.

Sumabog na naman ang social media world dahil sa napakaraming komento at kilig comments sa nasabing picture. Muli na namang nabuhay ang isyu na bakit nga ba kasi hindi pa umamin ang dalawa para mapalagay na ang kanilang mga fandom, huh!

Eh, obvious naman kasi, devah?

Super-happy ang kanilang mga faney sa larawang ito na tuwang-tuwa pa sila sa nag-upload. Kahit normal na sa dalawa ang sobrang sweetness katulad ng KathNiel (Kathryn Bernardo at Daniel Padilla) sa kabila nang wala pang aminang nangyayari, ang mga ganitong larawan ang nagbibigay sa kanila ng pag-asa at inspirasyon na patuloy i-just love ang LizQuen.

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?