81

By

Halik sa IMF chief, magpapabago sa pananaw sa katayuan ng Pinas – Duterte

Sharing is caring!

Isang halik lang diumano kay International Monetary Fund (IMF) Managing Director ang makakapagpabago sa pananaw ito sa Pilipinas, ayon kay Pangulong Rodrigo Duterte.

Ayon sa Pangulo, nais nitong malaman kay Lagarde kung ano ang naging basehan ng IMF sa aniya ay “gloomy outlook” sa Pilipinas.

“Alam mo ‘yan si Lagarde, nakita ko ‘yan… Just pull her into a corner, halikan mo lang, p***** i**, mag-iba ang isip niyan.She’s quite old but she’s good. I met her several times,”anang Pangulo.

Si Lagarde ay dating Finance Chief ng bansang France.

Aminado ang Pangulo na malayo pa ang tatahakin nh Pilipinas pero ginagawa aniya ng gobyerno ang lahat ng magagawa para maiangat ang bansa at maiahon sa hirap ang mga pilipino.

Mayroon pa aniya siyang natitirang apat na taon para pagsumikapang maisulong ng ganap ang mga pagbabago sa bansa.

“I’m tempted to ask what’s the standard of your classification, how rich and poor we are, or the enterprises of the world.

So we have a long way to go. I happen to be just three more years with the help of Sonny and you, in particular,” dagdag pa ng Pangulo.

Nauna rito pinaghihinay-hinay ng IMF ang mga mambabatas sa pagsusulong sa second phase ng Tax Reform for Acceleration and Inclusion (TRAIN ) law dahil baka lalong lumobo ang inflation at lumampas sa target ng BSP.

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?