521

By

Halik ni Duterte sa OFW, grave abuse of authority – Hontiveros

Mariing kinondena ni Senadora Risa Hontiveros ang panghahalik ni Pangulong Rodrigo Duterte sa isang Filipina sa South Korea kahapon.

Ayon kay Hontiveros, inabuso ni Duterte ang kaniyang kapangyarihan.

“It was a despicable display of sexism and grave abuse of authority. President Duterte acted like a feudal king who thinks that being the President is an entitlement to do anything that he pleases,” ani Hontiveros.

Iginiit naman ni Hontiveros na huwag husgahan ang OFW na nagpahalik sa Pangulo.

Ang Pangulo aniya ang pinuno ng bansa at tinatawag pang “tatay” kaya ito ang dapat na umayos ang kilos.

“President Duterte, being the head of the state, should have acted with great restraint, respect and judiciousness, something which is expected of the position he holds, especially a leader dubbed by his defenders as “tatay.” That is no way for a so-called father of the nation to act,” sabi pa ni Hontiveros.

Nanawagan naman ang senadora sa publiko na maging maingat at mapanuri dahil ang ginawa ng Pangulo ay maaaring sinadya para matabunan ang mga isyu ngayon na kinabibilangan ng pagyukod umano ng gobyerno sa China at ang katiwalian laban kay Solicitor General Jose Calida.

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?