18
tnt_dead
By

Half-Pinay patay sa mass shooting sa California

Sharing is caring!

Nasawi ang isang Fil-Am student sa pagpapaulan ng bala ng Marine veteran sa Southern California.

Ayon sa Department of Foreign Affairs, kasama sa mga napatay sa mass shooting ay si Alaina Punzalan Housley, 18-anyos, anak ng American actress at TV host Tamera Mowry-Housley at journalist Adam Housley.

Si Alaina ay isang estudyante mula sa Pepperdine University sa Malibu, California.

Nagpaabot ng mensahe ang nasabing unibersidad ukol sa pagpanaw ng kanilang estudyante na nadawit sa mass shooting kung saan 11 pa ang napatay.

“Our hearts are broken with the news of this profound loss, We offer our deepest condolences to the Housley family and ask that our community join us in keeping Alaina’s family, friends, and loved ones in their prayers during this incredibly difficult time.” saad sa statement ng institusyon.

Naganap ang pamamaril sa Borderline Bar & Grill in Thousand Oaks noong Miyerkoles sa Amerika, kung saan isang 28-anyos na si Ian David Long ang pangunahing suspek sa malagim na insidente.

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?