36

Jul 22, 2021 @ 19:09
By

Halal industry sa bansa palakasin—Cayetano

Mayroong nakikitang oportunidad si dating Speaker Alan Peter Cayetano upang makalikha ng trabaho at makatulong sa pag-unlad ng ekonomiya ang industriya ng Halal sa bansa.

Ayon kay Cayetano, kung palalakasin ang Halal certification sa bansa ay mas tataas ang kumpiyansa sa mga produkto na ibinebenta sa mga bansa sa Southeast Asia, Middle East, at Europe.

“Sa Halal certification, kung papasa ka at maaayos po, napakalaking industriya po nito,” sabi ni Cayetano. “It could really be a good (source of) livelihood at pampaganda ng ekonomiya ng isang bansa na talagang tutukan yung proseso para ma-certify (na Halal).”

Ang Halal ay dietary standard ng mga Muslim alinsunod sa Qur’an.

Sinabi rin ni Cayetano na plano nitong magtayo ng trading center sa Taguig City para sa mga produkto mula sa Mindanao.

Nasa Taguig ang Maharlika Village na siyang pinakamalaking Muslim community sa National Capital Region.

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?