26

Jun 23, 2022 @ 20:18
By

Halaga ng piso vs 1US dollar bumagsak sa P54.70

Lalo pang humina ang halaga ng piso kontra dolyar ngayong Huwebes, kung saan naabot na nito ang pinakamababang halaga sa loob ng 16 na taon.

Ang halaga ng piso kontra 1 US dollar ngayong Huwebes ay bumaba sa P54.70, mas mababa ng 23 sentimo sa P54.47 noong Miyerkoles.

Ayon sa ulat, ito na ang pinakamahinang performance ng piso mula noong Nobyembre 21, 2005, kung saan nagkahalaga ng P54.74 ang isang US dollar.

“The peso exchange rate again weaker… amid consistent relatively dovish signals / reiteration of gradual +0.25 local policy rate hike in the coming months amid more bigger and faster Fed rate hikes recently and the coming months,” pahayag ni Rizal Commercial Banking Corp. Chief Economist Michael Ricafort.

“Thereby making interest differentials in favor of the US dollar versus major global / Asian / ASEAN currencies that also weakened versus the US currency as a result,” dugtong pa nito.

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?