239

Oct 5, 2019 @ 9:59
By

Halaga ng manok sa Baguio tumaas sa ASF

Dahil sa epekto ng African Swine Fever (ASF), tumaas ang presyo ng manok sa siyudad ng Baguio.

Ayon sa mga nagbebenta ng mga karne ng manok sa merkado ng Baguio City, aminado sila na dumami ang mga mamimili ng manok kaysa sa karne ng baboy na pangunahing apektado ng ASF.

Sinabi nila na sa kasalukuyan, tumaas ang karne ng manok sa P150-P160 kada kilo mula sa P120-P130 kada kilo.

Ayon naman sa mga meat vendor, umiiwas umano ang mga tao sa pagbili ng karne ng baboy dahil sa takot nila sa ASF, na ayon sa kanila (meat vendors), hindi apektado ang kanilang panindang karne ng baboy sa sakit.

Sinabi naman ng mga mamimili na umiiwas lamang sila sa ASF na dala ng mga baboy.

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?