83

Jun 6, 2022 @ 19:24
By

Hadji, Wise, Yellyhaze bayani kung ituring sa Valenzuela

Iba na ang tinatamasang kasikatan ng mga Mobile Legends pro players na sina Danerie James ‘Wise’ Del Rosario, Salic ‘Hadji’ Imam, at Jeniel ‘Yellyhaze’ Bata-anon.

Sa katunayan, nitong Linggo ay kasama ang tatlo sa pinarangalan ng Valenzuela City government bilang mga natatanging atleta ng lungsod. Ang mga naturang pro player ay pawang mga taga-Valenzuela.

Sina Wise, Hadji at Yellyhaze ay tampok sa Valenzuela Sports Heroes Wall of Fame, kung saan naka-display sa Wellness Entertainment and Sports (WES) Arena ang kanilang mga pangalan at litrato.

Nitong Linggo lang din ipinakita sa madla ang naturang wall of fame, kung saan kinilala ng lokal na pamahalaan ng Valenzuela ang mga atletang taga-roon na nagbigay ng karangalan sa bansa.

Nagwagi ng gold medal sa 31st Southeast Asian Games sina Wise at Hadji, samantalang noong 2019 SEA Games naman nanalo ng ginto si Yellyhaze.

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?