307
abante-tonite-beauty-gonzales
Aug 6, 2018 @ 12:13
By

Habang wala pang serye… Beauty Gonzales kinakarir ang pagpapaseksi

Tila ine-enjoy nang husto ni Beauty Gonzales ang pagrampa nang sexy sa ilang okasyon at pagkakataon.

Ilang ulit na ring idinispley ni Beauty ang magandang hubog ng katawan sa mga beach na pinupuntahan at sa ilang events.

Sabagay, pinaghirapan naman ng nasabing hot momma ang kanyang sexy body na umani ng paghanga sa mga netizen.

Kamakailan ay muling inilantad ni Beauty ang kaseksihan sa isang lingerie pictorial. Puna tuloy ng mga nakakita na mistulang dalaga ang itsura at katawan ng sexy actress na huling napanood sa seryeng Pusong Ligaw sa ABS-CBN.

Sinasamantala marahil ni Beauty na habang wala pang bagong proyekto na ginagawa ay patuloy na magpakondisyon at magpaganda ng katawan para iwas-losyang lalo na’t may anak na siya.

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?