510

Feb 27, 2020 @ 12:50
By

Habang nagsa-shopping: Matteo hinalikan si Sarah in public

Tila nasa honeymoon stage pa sina Matteo Guidicelli at Sarah Geronimo, pitong araw matapos ang kanilang secret wedding.

Sa Instagram video ni Dr. Vicky Belo, nakasalubong nila sina Matteo at Sarah kung saan nakipagkulitan pa sa anak ng sikat na cosmetologist na si Scarlet Snow.

Nakipag-apir sina Sarah at Matteo kay Scarlet Snow, at nakita pa sa video na hinalikan ni Matteo ang kanyang misis sa noo.

Nang maitanong ni Dr. Belo kung anong ginagaw ang couple sa mall, sinabi ni Matteo na nagsa-shopping sila para sa kanyang misis.

“Shopping for the wife,” sey ni Matteo.

“He told me his only wish for Sarah is to be the happiest woman in the world,” caption naman ni Belo sa kanyang post.

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?