43

Apr 23, 2020 @ 15:57
By

Habang may COVID, PH maghahain ng protesta vs. China sa WPS

May COVID-19 crisis man o wala, tuloy umano ang gobyernong Duterte sa pagprotekta sa kaparatan ng Pilipinas sa West Philippine Sea.

Kaya naman ayon kay Presidential Spokesperson Harry Roque, walang problema sa paghahain ng mga diplomatic protest laban sa mga bagong hakbang ng China sa WPS, sa kasagsagan ng pandemya.

“Ang filing ng diplomatic protest ginagawa po ‘yan basta kinakailangang gawin, ke may COVID ke wala, tayo po’y mananatili na pu-protektahan at itataguyod ang ating national territory at ang ating sovereign rights,” wika ni Roque ngayong Huwebes.

Sabi kahapon ni Foreign Affairs Secretary Teodoro Locsin Jr., patungkol ang mga protesta sa umano’y harassment ng China sa isang Philippine Navy ship, at sa pagtatatag nito ng 2 distrito na sumasakop sa teritoryo ng ‘Pinas sa West Philippine Sea.

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?