12

Aug 9, 2021 @ 17:28
By

Habang ECQ sa NCR: Mga walk-in ‘di tuturukan

Nag-abiso ang Department of Interior and Local Government (DILG) nitong Lunes na hindi tatanggap ng walk-in sa alinmang vaccination site sa Metro Manila sa kalagitnaan ng enhanced community quarantine (ECQ).

“During this two-week lockdown, wala pong walk-in sa mga vaccination centers,” wika ni DILG Undersecretary Jonathan Malaya.

“We wish to emphasize that the mayors have all agreed, including the city of Manila, that in the 2-week lockdown, we will prioritize, ramp up vaccination. And in the process of the ramped up vaccination, we have to ensure na walang kumpul-kumpulan sa ating mga vaccination centers,” dagdag pa niya.

Ayon kay Malaya, ito raw ay para maiwasan ang siksikan at biglaang dagsa ng mga tao sa mga vaccination site.

Kaugnay rin nito, hindi papalusutin sa mga checkpoint ang mga magpapaturok kung hindi sila makakapagpakita ng QR code o alinmang kinakailangang dokumento sa pagpapabakuna.

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?