28

Aug 12, 2021 @ 13:49
By

Habang ECQ: Presyo ng bilihin ‘di itataas – DTI

Dahil sa pagpapatupad ng enhanced community quarantine (ECQ) sa ilang parte ng bansa partikular sa Metro Manila, hindi muna ipapataw ng Department of Trade and Industry (DTI) ang taas-presyo sa mga pangunahing bilihin.

Ayon kay Department of Trade and Industry (DTI) Secretary Ramon Lopez nitong Huwebes, kasabay ito ng panawagan ni Sen. Imee Marcos noong Agosto 4.

“Thanks to Sen. Imee. Yes, we have postponed any adjustment on SRPs, during ECQ,” pahayag ni Lopez.

Iminungkahi noon ni Marcos na isantabi muna habang ECQ ang taas-presyong inaprubahan noong Hulyo.

“We need to help keep down costs for ordinary households because social welfare subsidies or ‘ayuda’ are not limitless and their distribution will be staggered,” saad sa statement ni Marcos.

Bukod sa Metro Manila, ang ilan sa mga lugar na nasa ECQ ay ang Bataan, Laguna, Iloilo City at Cagayan de Oro City.

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?
Tags: , ,