101

Mar 7, 2018 @ 16:21

Habal-habal nahulog sa tulay, 3 patay

Patay ang isang driver at dalawa nitong pasaherong bata matapos mahulog sa tulay ang sinasakyan na habal-habal sa bayan ng Lopez sa lalawigan ng Quezon.

Dead on the spot ang drayber ng habal-habal na si Junior Ubana Francisco, 48-anyos at mga pasaherong sina Jennifer Collantes, 11-anyos at Kent Cuaresma, 7-anyos na nasawi habang isinusugod sa ospital.

Malubha naman na nasugatan ang iba pang pasahero na nakilalang sina Jennilyn Collantes, 8-anyos, Marissa Carreon, 16-anyos at kapatid nito na si Ismael, 15-anyos.

Kasalukuyang nagpapagamot ang tatlo sa isang ospital sa Lucena City.

Sa imbestigasyon ng pulisya, nawalan ng preno ang habal-habal hanggang sa mahulog ito sa tulay na may lalim na 30 metro.

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?