327

Apr 4, 2018 @ 19:23
By

‘Habal-habal’ inihirit gawing uri ng public transport

Nais ng transport watch na bigyan ng panahon ng gobyerno na pag-aralan ang posibilidad na magamit na rin ang motorsiklo bilang isang uri ng pampublikong transportasyon.

Ayon sa bagong tatag na commuters’ advocacy group, ang kanilang panawagan ay bunsod na rin ng mga nagsusulputang grupo sa social media, partikular na sa Facebook, na nag-aalok ng ‘habal habal service’.

Giit ng grupo, nalalagay sa panganib ang kaligtasan ng mga pasahero dahil sa kawalan ng regulasyon sa ‘habal habal’.

Una nang ipinasara ng Land Transportation Franchising and Regulatory Board ang opisina ng Angkas.com sa Makati City at ipinatigil ang operasyon nito dahil hindi ito nakarehistro.

Bago pa ito, ipinahinto rin ng ahensiya ang operasyon ng Grab Bike.

Umigting ang ‘habal-habal system’ sa Metro Manila dahil sa mas mabilis itong paraan para makarating ang mga commuter sa kanilang destinasyon dahil nakakaiwas ito sa traffic.

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?