249
angkas
May 25, 2018 @ 13:32
By

‘Habal-habal’ gawing mass transport – riders group

Isang grupo ng mga nagmomotorsiklo ang nanawagan sa gobyerno na kilalanin na ang “habal-habal” bilang alternatibong transportasyon para sa mga pasahero.

Giit din ng Riders of the Philippines (ROTP), na rebyuhin ang ilang regulasyon na ipinapatupad ng national at local government agencies gaya ng mga ordinansa na “no-helmet at half-face helmet”, pagpapamulta sa pag-angkas ng lalaki sa motorsiklo, at paghihiwalay sa mga motorsiklo sa national roads.

Paliwanag ng grupo, isa itong diskriminasyon sa mga rider at nalilimitahan din ang galaw nila dahil dito.

Nanawagan din ang grupo sa Kongreso na magpasa ng isang unified motorcycle law na magtutulak sa legalisasyon ng “habal-habal”.

Nauna nang sinabi noon ng Land Transportation Franchising and Regulatory Board na hindi maaaring gawing public utility vehicles ang mga motorsiklo maliban na lang kung magpapasa ang Kongreso ng bagong batas para sa “habal-habal”.

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?