Gymnastics doctor, nag-plead ng guilty sa pangmomolestiya ng atleta

Sharing is caring!

Nag-plead ng guilty ang dating USA gymnastics team doctor na inakusahan ng pangmomolestiya ng higit 100 babaeng atleta sa mga nagdaang dekada.

Nahaharap si Lawrence ‘Larry’ Nassar sa 22 counts ng sexual assault sa Michigan sa pang-aabuso sa mga atleta na ginagamit umano ang kanyang pagiging doktor upang mangmolestiya.

Si Nassar ay nagsilbi ng tatlong dekada sa USA gymnastics at nakasama sa apat na Olympic Games ng bansa.

Tatlo sa naging biktima nito’y nasa 13-anyos pababa habang nasa edad 13 at 15 ang iba pa.

Aniya, ipagdarasal niya ang mga naging biktima niya at humihingi siya ng tawad sa kanyang ginawa.

“I want them to heal. I want this community to heal,” ani Nassar sa AFP News.

Isa sa naging biktima ni Nassar na si Olympic gold medal-winning gymnasts Aly Raisman ang nagpahayag ng kanyang saloobin sa pamamagitan ng Twitter kung saan sinabi niyang ang doktor ay isang halimaw at hindi manggagamot.

Isa ang kaso ni Nassar sa iskandalong bumabalot hinggil sa pang-aabuso sa mga atleta kung saan nagbunsod pa ito ng pagbibitiw ni USA Gymnastics chief Steve Penny noong Marso.

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?