33

Jan 14, 2020 @ 14:42
By

‘Gwyneth Paltrow, Netflix nagkakalat ng fake science!’

Giniit ng isang YouTube commentator na delikado ang pagpapalabas ng Netflix tungkol sa kompanya ni American actress Gwyneth Paltrow, na ubod umano ng “pseudoscience” o fake science.

Pseudoscience ang mga gawain, pahayag, o paniniwala na sinasabing makatotohanan at base sa siyensiya, ngunit kaduda-duda, o hindi naman talaga mapatunayan bilang totoo.

Ayon kay Charlie White, mas kilala bilang “penguinz0” o “Cr1TiKaL,” scam lang ang natural health company ni Paltrow na Goop.

Delikado umano ito lalo na ngayon, dahil kakalat pa ang pseudoscience ng “Shakespease in Love” star sa “The Goop Lab” na palabas ng Netflix.

“What I’m saying here is I think “The Goop Lab” is the worst possible thing Netflix could possibly put on their catalog at the moment,” ayon kay penguinz0.

“This show is a piece of shit, and it’s just outright dangerous. And Gwyneth Paltrow has gone completely off the deep end … she’s actively out here, marketing pseudoscience, and exploiting women across the world with this absolute bullshit,” wika pa niya.

Ilan sa mga binanggit niyang halimbawa umano ng pangmo-modus ni Paltrow ang pagbebenta nito ng P3,800-kandila na kaamoy ng vagina nito (This Smells Like My Vagina Candle), panghihikayat na maglakad nang nakapaa para magamot ang depression, sadyang pagpapatusok sa bubuyog (bee-sting therapy) dahil healthy umano ito, at paghihikayat na sumakay ng yate dahil mabuti umano sa kaluluwa.

Mapanonood ang The Goop Lab sa Netflix simula Enero 24, 2020.

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?