48

By

Gwen Stefani Ular game magpa-sexy sa pelikula

Sharing is caring!

Ang Tonite Babe Ganda Mo, Teh candidate no. 6 na si Gwen Stefani Ular ay isang freelance talent na nakalabas na sa TV series na ‘FPJ’s Ang Probinsyano’ at ‘Victor Magtanggol’ at sa pelikulang ‘I’m Ellenya L’..

Ang 21 year old na si Gwen ay may vital statistics na 34-25-36. Siya ang reigning Bb. Taytay, Reyna ng Hamaka, Teens Philippines 2015, Miss Muzon, 1st Runner-up. Sumali rin siya sa Miss Tourism Philippine at Miss Philippines.

“Lumalabas po ako both sa GMA-7 at ABS CBN, sa Victor Mangtanggol ay gumanap po akong mga elves po kami, mga creatures, parang mga sexy elves. Sa Probinsyano naman friend ni Bianca Manalo.

“Super blessed nga po ako na nakatrabaho ko sina Alden at Coco,” masayang saad ni Gwen.

Sino ang mas type niya sa dalawa? “Puwedeng both?” Nakangiting sagot niya.

Sino ang mas hot sa kanila, si Alden or si Coco?

“Ah,… both na lang, parehas masarap, eh. Kasi si Coco, kapag nakita mo siya, kung ano siya sa TV kahit iyong boses niya, ganoon talaga eh. Hindi yung inaarte lang… natural.

“Si Alden naman pogi, parang ang bango-bango… delicious sila pareho, hahaha!”

Nabanggit din niya na okay lang naman sa kanya ang sumabak sa pagpapa-sexy sa pelikula. “Siguro no to nude, okay lang magpa-sexy sa pelikula, basta classy. Huwag lang po yung nude.

“Actually, may offer sa akin ang isang director to do indie film. Pero that time kasi ay hindi pa ako ready, pero wala namang topless, kissing scene lang,” saad pa ni Gwen.

Sa mga gustong sumali para maging Abante Babe para sa buwan ng September, ipadala ang inyong close up at whole body picture, bio data sa roldancastro2015@gmail.com, 18 to 28 years old, 5’3” pataas.

Para naman bumoto, gupitin sa Abante Tonite ang (Gwen Stefani Ular, Tonite Babe #6, 70 % ang katumbas) at lakipan ng logo ng Abante Tonite na may petsa, lagyan ng pangalan ng nagpadala, address at telepono.

May sorpresang premyong nakalaan sa mabubunot na Abante Tonite reader buwan-buwan at may tsansa na makapanood sa grand coronation. Ipadala ito sa Tonite Babe, Abante Tonite office sa 3rd floor Karrivin Plaza Building, 2316 Chino Roces Avenue Extension, Makati City. Puwede ring sumadya sa opisina at ihulog sa drop box.

Mahigpit na ipinagbabawal na lumahok ang mga empleyado at kamag-anak ng PRAGE Management Services hanggang sa second degree of consanguinity.

Puwede ring mag-like online sa kanyang photo para sa karagdagang puntos (30%). Bisitahin ang Abante Tonite Facebook Page, AbanteTNT sa Instagram. Para masilip ang ibang seksing larawan ni Gwen Stefani Ular, dumalaw sa website na www.tonite.abante.com.ph.

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?