12
gwen-zamora
By

Gwen iwas sa tanong kung kasal na sa anak ni Joey Marquez

Sharing is caring!

Magulo pa ang utak ni Gwen Zamora kung tuluyan na siyang babalik sa showbiz o hindi pa.

Kasama ang sexy actress sa pelikulang ‘Goyo: Ang Batang Heneral’ at nainterbyu siya ng ilang press people at tinanong ang tungkol sa kanila ni Jeremy Marquez.

May mga balitang hiwalay na sila ng boyfriend, pero itinanggi ito ni Gwen.

Ang sabi naman ng iba ay nagpakasal sila ni Jeremy sa Australia two years ago kaya pansamantala siyang huminto sa showbiz.

Paglalahad ni Gwen: “We’re still on. Four years na kami at sana forever na.”

Hindi sinagot ng sexy-actress ang tsikang nagpakasal na sila ni Jeremy. Mas ibinahagi niya kung ano ang pinagkaabalahan nu’ng nawala siya sa sirkulasyon.

Aniya: “I took up Culinary in Enderun and I’m doing my internship now in Toyo, in Pasong Tamo.”

Tanging ‘Goyo’ movie ang kasalukuyang project ng sexy actress.

Kung maganda raw ang maging resulta ng ‘Goyo’ saka siya mag-iisip kung tuluyang magbabalik-showbiz o manatiling fulltime chef kapag nakapagtapos na ng Culinary.

May fallback si Gwen once na ayaw na niya sa showbiz, pwede rin siyang magtayo ng restaurant na keri naman niya.

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?