204

Aug 15, 2020 @ 23:18
By

‘Gwapings’ Eric Fructuoso namasada ng tricycle

Sa panahon daw ngayon ay hindi na dapat magpaka-“choosy” ang iba para kumita.

Basta legal ang pagkakakitaan ay go lang nang go, ayon sa aktor na si Eric Fructuoso.

“Times like these hindi pwedeng kaartehan ang paiiralin! Basta ligal na pagkakakitaan para sa mga anak, tirahin lang ng tirahin!” caption ni Fructuoso sa photo habang nakasakay siya ng tricycle at naghihintay ng pasahero.

Humakot ng maraming reaksyon ang post niyang iyon at karamihan ay pinuri ang aktor.

miraflord_paglinawan: “Tama po kayo sir basta marangal n trabaho wlng dapat ikahiya at saka aanhin ang kaartehan kung wla nmn laman ang tiyan.”

cutievhan05: “Salute to u lodi.”

Sumikat si Fructuoso noong 1990s kung saan naging bahagi siya ng teen boy group na “Gwapings” kasama sina Mark Anthony Fernandez at Jomari Yllana.

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?