200

Oct 23, 2021 @ 15:29
By

‘GwaPING’ Lacson pangarap noon na maging NBI agent

Pangarap noon ni Senador Panfilo “Ping” Lacson na maging miyembro ng National Bureau of Investigation (NBI).

Hindi raw niya naisip noon na maging isang pulis o sundalo.

Ngunit may ibang plano sa kanya ang tadhana.

“Isang araw, inaya ako ng isang kaibigan na samahan siyang kumuha ng entrance exam sa Philippine Military Academy. Akalain ko bang sa aming dalawa, ako pa ang pumasa?” saad ni Lacson sa Facebook post.

“Dito ako nakapagtapos kabilang sa ‘Matatag’ Class of 1971. The rest is history,” aniya pa.

Ibinahagi ni Lacson ang graduation photo niya sa PMA, kung saan mala-Adonis ang kaguwapuhan niya.

“21 lang ata ako sa litrato na ‘to. Ka-edad ko yung mga Gen Z ngayon,” aniya.

Bago naging senador, nagsilbi si Lacson na hepe ng Philippine National Police mula 1999 hanggang 2001, kung saan winalis niya ang “kotong culture” sa hanay ng mga pulis.

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?