27

Oct 13, 2021 @ 15:12
By

‘#GwaPING’ bagong paandar ni Senador Lacson

Imbes na katulad ng campaign hashtags na #LetLeniLead at #IskoWillLead, kakaibang paandar sa social media ang naisip ni presidential aspirant Senador Panfilo ‘Ping’ Lacson.

Sa kanya kasing isang Facebook post, makikita ang paggamit niya ng bagong hashtag na “#GwaPING.”

Makikita naman sa naturang post ang throwback picture ng opisyal noong kadete pa lamang siya sa Philippine Military Academy.

https://www.facebook.com/100044173909089/posts/433950368087423/?d=n

“21 lang ata ako sa litrato na ‘to. Ka-edad ko yung mga Gen Z ngayon,” ani Ping sa caption.

Kwento niya, aksidente lang ang pagpasok niya sa PMA dahil ang pangarap talaga niya noon ay maging isang NBI agent.

“Sa totoo, ang pangarap ko talaga ay maging isang NBI agent. Hindi ko naisip noon na maging isang pulis o sundalo. Pero isang araw, inaya ako ng isang kaibigan na samahan siyang kumuha ng entrance exam sa Philippine Military Academy. Akalain ko bang sa aming dalawa, ako pa ang pumasa?”

“Dito ako nakapagtapos kabilang sa ’Matatag’ Class of 1971. The rest is history,” dagdag pa niya.

Nito lamang nakaraang linggo nang maghain ng certificate of candidacy si Lacson para sa pagtakbo niya bilang pangulo ng bansa sa Halalan 2022.

Si Senate President Vicente “Tito” Sotto III ang ka-tandem niya na target naman maging bise presidente. (VA)

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?